Mga Sawikain: Pangalwang Yugto
Mga nagmamahal na kaibigan sa aking blog,
Salamat sa inyong walang-sawang suporta sa aking blog. Nakita ko sa mga statistiko na halos limampu (50) ang mga nagbabasa sa blog entry ko tungkol sa mga sawikain. Nakita kong nanggaling pa sila (o kayo man) sa Google o kung saan mang search engine para lamang makita ang mga sawikain at ang mga kahulugan nito na naipamahagi ko.
If you don't understand Tagalog or Filipino well, I would like to thank you for your support for my blog. I saw in my statistics that there are almost 50 views who read my entry about Filipino idiomatic expressions. I saw that they (or maybe you) came from Google or any search engine just to look at these idioms and their meanings.
Nais ko ulit ipamahagi ang pangalawang yugto sa mga sawikain na nakuha ko mula sa website na ito:
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Default_files/tagalog_idioms.htm
Mayroon itong kahulugan sa Tagalog at sa Ingles (English)
Maraming salamat po.
KENNETH
Salamat sa inyong walang-sawang suporta sa aking blog. Nakita ko sa mga statistiko na halos limampu (50) ang mga nagbabasa sa blog entry ko tungkol sa mga sawikain. Nakita kong nanggaling pa sila (o kayo man) sa Google o kung saan mang search engine para lamang makita ang mga sawikain at ang mga kahulugan nito na naipamahagi ko.
If you don't understand Tagalog or Filipino well, I would like to thank you for your support for my blog. I saw in my statistics that there are almost 50 views who read my entry about Filipino idiomatic expressions. I saw that they (or maybe you) came from Google or any search engine just to look at these idioms and their meanings.
Nais ko ulit ipamahagi ang pangalawang yugto sa mga sawikain na nakuha ko mula sa website na ito:
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Default_files/tagalog_idioms.htm
Mayroon itong kahulugan sa Tagalog at sa Ingles (English)
A | |
agaw-buhay -- naghihingalo | between life and death (literal=life about to be snatched away) |
anak-pawis -- magsasaka; manggagawa | farmer; labourer; blue-collar worker |
anak-dalita -- mahirap | poor |
alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain lang | house-help with no income, but provided with food and shelter |
B | |
balitang kutsero -- hindi totoong balita | rumour, gossip, false story |
balik-harap -- mabuti sa harapan, taksil sa likuran | double-faced person, one who betrays trust |
bantay-salakay -- taong nagbabait-baitan | a person who pretends to be good, opportunist |
bungang-araw -- sakit sa balat | prickly heat (literal=fruit of the sun) |
bungang-tulog -- panaginip | dream (literal=fruit of sleep) |
BALAT | (SKIN) |
balat-sibuyas -- manipis, maramdamin | a sensitive person (literal=onion-skinned) |
balat-kalabaw -- mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya | one who is insensitive; with dense-face (literal=buffalo-skinned) |
buto't balat -- payat na payat | malnourished (literal=skin-and-bone) |
BIBIG | (MOUTH) |
tulak ng bibig -- salita lamang, di tunay sa loob | insincere words (literal=pushed-by-the-mouth) |
dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal | nagger, talkative person (literal=two-mouthed) |
BITUKA | (INTESTINE) |
halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao | a person with no moral compunction (literal=with a horizontal intestine) |
mahapdi ang bituka -- nagugutom | a hungry person (literal=sore intestine) |
BULSA | (POUCH/POCKET) |
makapal ang bulsa -- maraming pera | rich, wealthy (literal=with a thick pocket) |
butas ang bulsa -- walang pera | poor (literal=with a hole in the pocket) |
sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at mamahala ng kayamanan | someone who knows his ability to pay |
BUTO | (BONE) |
nagbabatak ng buto -- nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan | one who works hard |
matigas ang buto -- malakas | a strong person |
K | |
kidlat sa bilis -- napakabilis | exceedingly fast |
kusang palo -- sariling sipag | initiative |
KAMAY | (HAND) |
mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho | a lazy person (literal=heavy-handed person) |
magaan ang kamay -- madaling manuntok, manapok, manakit | one who easily hits another person, easily provoked (literal=light-handed person) |
mabilis ang kamay -- mandurukot | a snatcher, pickpocket (literal=fast-handed) |
malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya | one who has the habit of stealing things (literal=listless hand) |
D | |
di makabasag-pinggan -- mahinhin | a very demure, prim-and-proper person (literal=someone who can't break a plate) |
di mahulugang-karayom -- maraming tao | overcrowded place (literal=where one cannot throw a pin) |
DIBDIB | (CHEST/HEART) |
pag-iisang dibdib -- kasal | wedding (literal=to be of one heart) |
kabiyak ng dibdib -- asawa | spouse (literal=the other half of the heart) |
daga sa dibdib -- takot | worry, fear (literal=mouse in the chest) |
nagbukas ng dibdib -- nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan | a man who proposed marriage (literal=opened his heart) |
DILA | (TONGUE) |
bulaklak ng dila -- pagpapalabis sa katotohanan | exaggeration (literal=flower of the tongue) |
magdilang anghel -- magkatotoo sana | to wish that what has been said will come true |
makati ang dila -- madaldal, mapunahin | talkative person (literal = one with itchy tongue) |
matalas ang dila -- masakit mangusap | one who talks offensively (literal = sharp-tongued person) |
maanghang ang dila -- bastos magsalita | a vulgar person (literal = spicy-tongued person) |
matamis ang dila -- mahusay mangusap, bolero | a fast talker (literal = sweet-tongued person) |
kaututang dila -- katsismisan | a gossip (literal = farting tongue) |
sanga-sangang dila -- sinungaling | a liar |
may krus ang dila -- nakapanghihimatong | one who could foretell an event |
DUGO | (BLOOD) |
kumukulo ang dugo -- naiinis, nasusuklam | a person who hates somebody (literal=boiling blood) |
magaan ang dugo -- madaling makapalagayan ng loob | a person with whom one gets along easily (literal=light-blood) |
maitim ang dugo -- salbahe, tampalasan | an evil or bad person (literal=dark-blooded) |
H | |
hampas-lupa -- lagalag, busabos | a bum person, without any goals in life |
haligi ng tahanan -- ama | father (literal = post of the house) |
I | |
ilaw ng tahanan -- ina | mother (literal = light of the house) |
itaga sa bato -- tandaan | to remember (something) forever (literal=cast in stone) |
isulat sa tubig -- kalimutan | to forget (something) forever (literal=write it on water) |
ISIP | (MIND/BRAIN) |
makitid ang isip -- mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman | someone incapable of understanding (literal=narrow-minded) |
malawak ang isip -- madaling umunawa, maraming nalalaman | someone who easily understands (literal=broad-minded) |
L | |
LOOB | (FEELINGS; LITERAL=INSIDE) |
malakas ang loob -- matapang | a brave person (literal=strong-willed) |
mahina ang loob -- duwag | a coward (literal=weak-willed) |
mababa ang loob -- maawain | merciful person (literal=low-hearted) |
masama ang loob -- nagdaramdam | a person with a grudge, painful or ill feelings against someone (literal=bad feelings) |
mabigat ang loob -- di-makagiliwan | a person with whom one could not get along with (literal=heavy vibes or feelings) |
bukal sa loob -- taos-puso, tapat | a sincere person, or one who gives with a pure heart (literal=pure-hearted) |
M | |
mahabang dulang -- kasalan | wedding |
makalaglag-matsing -- nakaka-akit | enchanting look |
makuskos-balungos -- mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin | hard to please, always complaining |
mahaba ang buntot -- laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe | a person who is a spoiled brat |
malapad ang papel -- maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong | a person who is very influential |
may magandang hinaharap -- may magandang kinabukasan | a person with a bright future |
may sinasabi -- mayaman, may likas na talino | a wealthy person or a talented person |
MATA | (EYE) |
matalas ang mata -- madaling makakita | someone who could easily spot something (literal=sharp-eyed) |
tatlo ang mata -- maraming nakikita, mapaghanap ng mali | a fault-finder, cynical person (literal=three-eyed person) |
namuti ang mata -- nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay | a person who was stood up (literal=one whose eyes turned white) |
matigas ang leeg -- mapag-mataas, di namamansin | snobbish person (literal=stiff-necked) |
matigas ang katawan -- tamad | a lazy person (literal=stiff-bodied) |
makapal ang palad -- masipag | a busy-body, industrious person (literal=thick-palmed) |
maitim ang budhi -- masamang tao, tuso | an evil or bad person (literal=dark-souled) |
mababaw ang luha -- madaling umiyak | emotional person (literal=tear-on-the-surface) |
MUKHA | (FACE) |
makapal ang mukha -- di marunong mahiya | a shameless person (literal= dense-faced) |
manipis ang mukha -- mahiyain | a shy person (literal= thin-faced) |
maaliwalas ang mukha -- masayahin | a joyful person (literal= bright-faced) |
madilim ang mukha -- taong simangot, problemado | a problematic person (literal=dim-faced) |
dalawa ang mukha -- kabilanin, balik-harap | a deceptive, two-faced person |
N | |
nakahiga sa salapi/pera -- mayaman | rich, connotes someone who is spoiled by wealth |
nagbibilang ng poste -- walang trabaho | someone who is jobless, (literally "counting posts") |
namamangka sa dalawang ilog -- salawahan | a person who is unfaithful |
nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga | an old man/woman insecure about his/her looks and dresses up like a young person |
naniningalang-pugad -- nanliligaw | a man courting a woman |
ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan | something that is not permanent, usually connotes a behavior or action not meant to last |
Back to Top Back to Tagalog Homepage | |
P | |
panis ang laway -- taong di-palakibo | a very quiet person |
pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw | twilight |
patay-gutom -- matakaw | glutton |
pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal | honeymoon |
putok sa buho -- anak sa labas | an illegitimate child; child born out-of-wedlock |
PAA | (FEET) |
makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad | a person who is fond of going places (literal=itchy feet) |
pantay ang mga paa -- patay na | one who just died (literal=level feet) |
PUSA | (CAT) |
nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao | telling on somebody |
saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho | temporarily included in a game or work, a term used to refer to little kids fond of joining games or work of grown-ups |
S | |
sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira | someone who is privileged to lodge and board in house for free |
samaing palad -- malas na tao | an unfortunate person, unlucky person |
sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi | a false, pretentious person |
T | |
takaw-tulog -- mahilig matulog | a lazy person who always wants to stay in bed |
takipsilim -- paglubog ng araw | twilight |
talusaling -- manipis ang balat | a very sensitive person |
talusira -- madaling magbago | a person who easily changes |
tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit | a person who sneers |
TAINGA | (EAR) |
matalas ang tainga -- madaling makarinig | one who easily hears the news (literal=sharp-eared) |
maputi ang tainga -- kuripot | miser, scrooge (literal=white-eared) |
nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan | one who plays deaf (literal=closed-eared) |
taingang kawali -- nagbibingi-bingihan | one who plays deaf (literal=wok-eared: uses metaphor of the handle of a wok) |
U | |
utang na loob -- malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man | (as noun) debt of gratitude |
"utang na loob" -- malaking pakiusap, madalas ginagamit upang ipahiwatig ang masidhing damdamin ng nakikiusap, tulad ng "parang awa mo na" | (as expression) "please", used to express the deepest feelings of the person asking for a very big favour, equivalent to "have mercy" |
ULO | (HEAD) |
matalas ang ulo -- matalino | bright, intelligent (literal=sharp-headed) |
mahangin ang ulo -- mayabang | arrogant person (literal=air-headed) |
malamig ang ulo -- maganda ang sariling disposisyon | in a good mood (literal=cool-headed) |
mainit ang ulo -- pangit ang disposisyon | in a bad mood (literal=hot-headed) |
lumaki ang ulo -- yumabang | someone who became proud, arrogant (literal=one whose head grew big) |
matigas ang ulo -- ayaw makinig sa pangaral o utos | one who is stubborn (literal=hard-headed) |
basag-ulo -- gulo, away | chaos, quarrel, fight (literal=break head) |
may ipot sa ulo -- taong pinagtaksilan ng asawa | a person who has been cheated by his/her spouse (literal=one with faeces/dung on his/her head) |
sira ang ulo/sira ang tuktok -- taong maraming kalokohan ang nasa isip | a crazy or foolish person |
UTAK | (BRAIN) |
utak-biya -- bobo, mahina ang ulo | stupid, brainless (literal=fish-brained) |
matalas ang utak -- matalino | bright, intelligent person (literal=sharp-brained) |
Maraming salamat po.
KENNETH
Comments